Monday, February 4, 2019

Ang mga karanasan ng isang estudyante.

Magandang araw!

Kami ay sina Aljoel, Aaron, Kenneth, at Billy, mag-aaral kami ng Philippine Merchant Marine School Las Pinas City bilang isang 1st year college sa kursong BSMarE (Marine Engineering).

Kung mapapansin nyo madami kami sa isang blog na ito,kaya nagdesisyon kami na magpahayag ng kanya-kanyang kwento o karanasan bilang isang estudyante. Sa aming blog na ito, mayroon kaming nais na ipahayag na tiyak ay makaka-ugnay ka sa aming mga kwento.

Ang buhay ng isang mag-aaral sa loob ng eskwelahan. Marami tayong mga karanasan na ating makukuha, may malulungkot at mayroon din namang masasaya. May mga oras na matutuwa at mawiwili ka sa mga itinuturo ng iyong guro, minsan naman ay makakatulog ka na sa sobrang nakakainip at nakakatamad  aralin na tinatalakay ng ating guro. Ganun pa man di natin dapat hindi dapat natin sanayin ang ating sarili na madalas tayong nakakatulog sa mga klaseng di nating gusto o nakaka-antok. Habang ang buhay ng estudyante sa labas ng eskwelahan minsan malungkot dahil nag-aral ka na nga ng buong araw sa loob ng eskwelahan pag-uwi ng bahay ay may aalahanin ka pang mga takdang aralin at mga pagsusulit. May mga pagkakataon din naman na masaya ang estudyante pag-uwi niya dahil makakapagpahinga na rin siya at makakagawa na sya ng ibang gawain.

May mga halimbawa kami ng karanasan bilang isang estudyante na nais namin ipahiwatig sa inyo. Isa na rito ay ang mga gastusin pangproyekto at sa sarili, bilang estudyante matututo kang ng tamang pagbabadyet ng iyong baon, matututo kang pano magtipid upang makakain ka at makapag-ambag sa inyong proyekto. Pangalawa naman ay ang pakikisama mo bilang estudyante sa kapwa mo estudyante, sa parting ito ay matututo ka naman makisama sa iba't ibang uri ng estudyante dahil minsan ay makakasama ka sa grupo ng mga tamad at maiinis ka na dahil wala silang natutulong sa iyo. Pangatlo ay ang sabay sabay na pasahan ng iba't ibang gawain sa iba't ibang asignatura, dito naman ay matututo kang gamitin ang oras mo ng tama at makabuluhan. At panglima ay ang pagiging masaya dahil kasama mo ang iyong mga kaklase sa pag-angat at pagbagsak. Masaya ito dahil dito natututo kang makisama at mag-adjust sa iyong mga kamag-aral. 

Ngayon naman ay pagtuonan natin ng pansin ang aming mga kwento tungkol sa aming karanasan bilang estudyante.

Ako po si Aljoel nais ko pong ibahagi sa inyo ang aking karanasan bilang estudyante.
Ang karanasan ko ay naiiba sa kanila dahil sa unang semestro ko sa kolehiyo BSMT ang kursong kinuha ko ibang iba sa kurso ko ngayon na BSMarE. Noong nasa unang semestro ako ng kulehiyo napadpad ako sa tinatawag nilang pilot class ang N-J1A1 sa umpisa palang ay puring puri, umaasa na ang aming mga guro sa kakayanan ng bawat isa saamin at lagi nilang sinasabi saamin na panatilihin namin ang mataas na marka upang hindi matanggal sa pilot class, dahil ang pilot class ang inirerepresenta nila sa mga shipping company na dumarayo sa paaralan   Kaya't umpisa palang den ng klase narandaman ko na agad ang presyon at hirap na dadanasin ko. Sa unang semestro ko sa kolehiyo sa nangungunang seksyon sa BSMT masasabi ko na sobrang hirap ng karanasan ko, sobrang hirap dahil pag uwi ko palang makakatulog agad ako sa pagod at sa pag gising mapapatingin ako sa papel na naka paskil laman ang sandamakmak na gawain, ganito ako araw araw sa pag sapit ng 6 ng gabi makikita ako sa kama na palaging may ginagawa, madalas inaabot na ako ng 1 ng umaga kapag sabay sabay ang mga guro magpagawa ng takdang aralin at proyekto. Sa pag sapit ng umaga habang nag aayos na sa pag pasok palagi akong kinakabahan na baka may sopresang pagsusulit nanaman kami na paboritong  gawain ng mga guro saamin, kakabahan ako dahil hindi ako nakapag basa gawa ng sabay sabay na takdang aralin at proyekto, kakabahan dahil baka hindi sapat yung nabasa ko dahil tatlong paksa kami sa isang araw. Minsan ko nang naranasan makakuha ng singko sa sopresang pagsusulit sa major subject napahiya ako ng sobra dahil nakatingin sa akin yung  aming guro at matatalino kong kamag aral isa iyon sa hindi ko malilimutan na karanasan nanliliit ako at sobrang nasaktan pakiramdam ko bumaba tingin ng mga kamag aral ko sakin at nawala din ang lakas ng loob ko. Simula noon hindi na ako nagpakampante sa bawat araw palagi akong nagbabalik tanaw sa aming mga paksang inaral. Tunay na mahirap mapabilang sa nangungunang seksyon marami akong hirap at pagod na naranasan na maliit na grado lang ang katumbas. Marami ang pumasok saking isip at mayroon din akong mga personal na dahilan ng palipat ko ng kurso, at alam ko na nag uumpisa palang ang mga karanasan ko bilang isang kolehiyo. Ito ang aking kwento.

Ako si Aaron nais ko pong ibahagi sa inyo ang aking kwento bilang mag-aaral.Ang buhay ko bilang isang estudyante, ay masasabi kong "blessed" dahil sa buong buhay ng pag-aaral ko ay wala akong natanggap na bagsak na grado. Ewan ko, di naman ako yung tipo ng estudyante na masipag pagdating sa mga akademiks, subalit ako yung tipo ng estudyante na tawagin nating "go with the flow".Kung baga, ako yung tipo ng estudyante na magaling makisama sa kapwa estudyante na kung inaya ka sa ako ay sasama.Bilang estudyante ang buhay ko ay di naging madali kasi dahil na sinabi kong "blessed" ako, di madalas na masaya ang aking pag-aaral dahil nakakaranas din ako ng mga pagsubok. Katulad na lang pagdating sa pagpapanatili ng mabubuting grado. Mahirap sa parte ko na magpanatili ng mabuting grado dahil tamad ako pagdating sa mga akademikong gawain ako ay tamad na tamad at pagdating naman sa aktibidad ako naman ako madalas kasali. Syempre di rin natin maiiwasan ang pagkakaroon ng mga kapwa mag-aaral na mahirap pakisamahan, pero dahil magaling ako makisama nakakapag-adjust ako sa mga kaklaseng ganto. Bilang pagtatapos ng aking kwento, nais kong mag-iwan ng katagang "mag-aral ng mabuti upang ang buhay ay mapabuti". Sana'y kayo ay natuwa at natututo sa aking kwento.

Ang kwento ko o karanasan ko bilang isang studyante ay yung merong isang bagay na hinding hindi ko makakalimutan sa akin buhay ay yung may natutunan ako pinaka mahalagang leksyon sa buhay ko eto yung iba na kailangan matutunan higit sa lahat eto yung pagiging tapat. hindi lang sa sarili mo kung rin sa ibang tao kasi dito mo malalaman kung sino or anong klase kang tao at anong klaseng tao ang kinakausap mo. at isa pa sa mga natutunan ko biling isang studyante ay ang pagiging isang mabuting halimbawa sa iba at pagiging mabuting bata or studyante. Ito lang yung masasabi ko bilang isang huwarang studyante sana may natutunan  kayo at maraming salamat sa pagbabasa sa aming blog.

Ako po si Billy nais ko pong ibahagi sa inyo ang aking karanasan bilang estudyante. Kasalukuyan akong mag aaral ng Philippine Merchat Marine School Las PiƱas City bilang isang 1st year college sa kursong Marine Engineering(MarE). Sa paaralang ito ko tutuparin ang aking pangarap at ang paaralang ito ang tutulong sa akin para maabot ko ito. Sa pamamagitan ng aking pag aaral dito mas lalong lumalawak ang aking kaalaman,  ang kaalamang ito ang humuhubog sa aking pagkatao. Sa pagkakaroon sa sarili ng sipag at tiyaga alam kung maabot ko ang aking mga pangarap. Ako ay muling nagsisimula sa kabanata ng aking pag aaral. Sa pag aaral, dito nasusukat kung paano natin pinapahalagahan ang ating mga pinag aaralan. Walang anomang hadlang sa taong buo ang pangarap. Isa sa mga napagtanto ko ngayon ng dahil sa karanasan ko noon ay ang kahalagahan ng oras lalong lalo na sa pag aaral. Dahil hindi ko pinahalagahan noon ang bawat oras.  Ngayon mas inisip ko ang kahalagahan ng oras sa pag aaral.  Sabi nga ang pang aaral ang susi sa tagumpay sa buhay.

Bilang pagtatapos ng aming blog, sa buhay ng estudyante di natin maiiwasan na mahirapan, madapa at bumagsak. Subalit sa bawat pahihirap, pagdapa, at bagsak natin sa tuwing tayo ay bumabangon may dala tayong bagong kaalaman at tayo'y natututo na tumayo sa ating sariling mga paa at naiiwasan na natin ang mga bagay na dapat nating iwas upang tayo ay di na madapa pa muli. Sa kabila ng mga paghihirap nating nararanasan ay ang bawat hakbang natin upang makamit ang ating mga pangarap sa buhay.

Nawa'y kayo ay natuwa at naka-ugnay sa aming mga karanasan bilang isang estudyante. Sana'y may naitulong at natutunan kayo sa sa aming blog na ito, at bilang kapwa nyo estudyante hinihiling namin na kayo ay magkaroon ng isang maganda buhay estudyante. 

Maraming salamat sa pagbabasa ng amin blog, hanggang sa susunod namin blog. Paalam!